PHOTOS: Gerald Anderson, gaganap na guro na may hindi pangkaraniwang karamdaman sa MMK

ABS-CBN.com December 10, 2015 04:51 PM

Alamin kung paano hinarap ng isang guro ang laban ng buhay matapos siyang dapuan ng naiiba at hindi karaniwang karamdaman ngayong Sabado (Dec 12) sa “MMK.”

Gagampanan ni Gerald Anderson ang papel ni Bert, isang lalaking may X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o tinatawag ding Lubag Syndrome. Base sa mga pag-aaral, mga kalalakihang Pilipino ang madalas tinatamaan nito at may sintomas tulad ng pagkautal, hirap sa paglakad at pagsulat, at imboluntaryong paggalaw ng mga kalamnan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bata pa lang si Bert ay nais na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Kaya naman nagsipag siya sa pag-aaral hanggang sa makamit niya ang inaasam na propesyon.

Binigay niya ang kanyang puso sa tungkulin at hinigitan pa ito sa pamamagitan ng pagiging ikalawang ama sa kanya mga estudyante. Hanggang sa isang araw, lumabas na ang sintomas ng kanyang karamdaman at bumungad na sa kanya ang masaklap na katotohanan.

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Snooky Serna, Raikko Mateo, Kyle Banzon, EJ Jallorina, Veyda Inoval, Karla Cruz, Dale Badillio, Angelo Ilagan, Ronalissa Cheng, Trina Legaspi, Ellaine Quemel, at Lui Manansala. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Patuloy na nangunguna ang “MMK” sa timeslot nito tuwing weekend. Noong nakaraang Sabado (Dec 5) wagi ang programa sa national TV rating na 27.8% kumpara sa kalaban nito na may 26%.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Related