Lunes-Biyernes pagtapos ng Kapamilya Deal or No Deal

Wendell ganap nang Kapamilya sa pagpasok sa "Pasion De Amor"

ABS-CBN Corp. Comm. August 07,2015 01:20 AM

Bibigyang buhay ng hunk actor na si Wendell Ramos ang panibagong karakter na lalong magpapainit pa sa mga tagpo sa hit primetime serye ng ABS-CBN na “Pasion De Amor.”

Unti-unti na ngang pumapasok sa buhay ng mga Elizondo ang ginagampanan niyang papel na si Gabriel, anak ni Gabriela (Teresa Loyzaga) sa ibang lalaki at lalabas na kuya sa magkakapatid. Nanatiling misteryoso ang kanyang pagkatao sa mga manonood at hindi pa lubusang matanto kung siya ba ay kakampi o kaaway.

Matapos tumugma ang kanilang DNA test, agad na gagawin ni Gabriela ang responsibilidad bilang ina at bibigyan si Gabriel ng maayos na tirahan. Ano kaya ang plano niya sa anak na ngayon lang nakilala? Kailan niya pormal na sasabihin ang katotohanan sa mga anak niyang sina Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia)? Matanggap kaya nila ito bilang kuya? Ano ba talaga ang pakay ni Gabriel at inilantad niya ang kanyang pagkatao sa mga Elizondo?

Ito ang pinakaunang Kapamilya serye ni Wendell matapos unang lumabas sa hit legal drama na “Ipaglaban Mo.”

Huwag bibitaw sa pinakamainit na serye sa primetime, ang “Pasion De Amor,” Lunes hanggang Biyernes  bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/pasiondeamor.tv sa Facebook, i-follow ang @pasiondeamor_TV sa Twitter o di kaya’y i-follow ang @pasiondeamor.abscbn sa Instagram.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA