Lunes-Biyernes pagtapos ng Kapamilya Deal or No Deal

Elizonda Sisters, isa isa ng bumibigay sa Samonte Brothers sa "Pasion De Amor"

ABS-CBN Corp. Comm. July 16,2015 06:44 PM
Isa isa nang kumakagat sa bitag ng Samonte brothers ang Elizondo sisters sa mas umiinit pang tagpo sa hit primetime teleserye na “Pasion De Amor.” Nakuha na ni Juan (Jake Cuenca) ang puso ni Norma (Arci Munoz) at nagawa pa ng dalaga na tanggihan ang alok na kasal ng matagal ng kasintahang si Fernando (Ahron Villena). Pumayag din ito na magtanan sila.



Patuloy naman ang panunuyo at pang-aakit ni Oscar (Ejay Falcon) sa mas rumurupok pang si Sari (Ellen Adarna) na hindi na maikakailang nagugustuhan na ang pilyong binata.



Bibigay na rin ang damdamin ni Jamie (Coleen Garcia) sa bunsong si Franco (Joseph Marco) matapos niyang mas makilala ito sa kanyang pamamalagi sa tahanan ng mga Samonte. Hindi na ito magpapatumpik pa at agad na ibibigay ang matamis na oo para maging ganap na silang magkasintahan.



Kung kailan umaayon ang kapalaran sa plano ng magkapatid saka naman lalantad ang katotohanan para hadlangan ang mga kasinungalinan. Malalaman ni Norma na si Juan pala ay isa sa tatlong kapatid ni Lyvia Samonte (Ingrid Dela Paz) na siyang kabit ng kanyang nasirang amang si Bernardo (Ronaldo Valdez).

Paano mababago ng impormasyong ito ang pagtingin ni Norma kay Juan? Tuluyan na kayang mabuko ang plano ng mga Samonte?

Noong nakaraang Huwebes (July 9), nakuha ng “Pasion De Amor” ang pinakatamaas nitong rating na 24.4% kontra sa kalabang programa sa GMA na may 10.8%. Ito rin ang ikatlong pinakapinapanood na programa online sa video-on-demand site/mobile app na iWanTV.

Huwag bibitiw sa pinakamainit na serye sa Primetime Bida ngayon, ang “Pasion De Amor,” Lunes hanggang Biyernes, 6PM, pagkatapos ng “Kapamilya Deal or No Deal.” Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/pasiondeamor.tv sa Facebook, i-follow ang @pasiondeamor_TV sa Twitter o di kaya’y i-follow ang @pasiondeamor.abscbn sa Instagram.
 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA