Sunday after TV Patrol Weekend

"Goin' Bulilit", may pabaong tips para hindi ma late sa school

ABS-CBN Corp. Comm. June 05,2015 03:53 AM
Sisimulan ng “Goin’ Bulilit” ang Hunyo sa isang back-to-school episode tampok ang iba’t ibang sitwasyon na umiikot sa first day of school pati rin tips para hindi ma-late sa eskwelahan kasama si Clarence Delgado ngayong Linggo (Hunyo 7).

Pangungunahan ni Clarence ang kasiyahan sa segment na “How how I know how with Islaw,” kung saan bida ang iba’t ibang advice niya para hindi mamarkahan ng late sa pasukan.

Maliban sa tips ni Clarence, ibabandera din ng Bulilit kids ang nakakatuwang first day of school gags pati mga sitwasyon kung saan nagtatanong ang mga magulang sa mga anak tungkol sa unang araw ng pasukan.

Panoorin ito at marami pang gags sa “Goin’ Bulilit.”

Huwag ring palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Home Sweetie Home,” “Banana Split: Extra Scoop,” “Banana Nite,” at “Luv U.”  Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Goin’ Bulilit” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA